

HINDI PORKET NAGMUMURA KA MASAMANG TAO KA NA.
Kahit na alam mo sa sarili mo na mas nakakalamang ka, o kaya naman alam mo sa sarili mo na ikaw na ang pinaka the best, na halos lahat ay inangkin mo na eh always learn to be humble. Iba kasi ang dating kapag medyo hindi maangas ang kilos natin.
Tipong mas maganda pang isipin na laging mas magaling yung mga taong nakakaharap mo, para approachable na approachable ang dating mo, mga taong walang masasabi sayo, mga taong walang magagawa kundi maging kaibigan mo lang at walang gagawing ibang masama, mga kaibigan na hindi ka pag uusapan at sasaksakin patalikod kapag nakatikod ka.
Iba kasi kapag nakilala ka ng isang tao na sobrang normal lang nang pakikitungo, kung baga nag iiwan ka sa kanila ng personalidad na lagi nilang maalala, hintayin mo na lang na ikaw ang puriin. Hindi bat mas maganda sa pakiramdam? Na marinig ang magagandang bagay mula sa bibig ng ibat-ibang mga tao.
(Source: matabangutak)
Crying occurs when the body reacts emotionally to something. Tears are a reaction of the nervous system to try and ease our pain, just as we would when physically harmed. The body senses our distress and the cranial nerve in the brain is stimulated, this sends signals to the neurotransmitters in the tear glands to make us cry. These tears contain high levels of manganese and the hormone prolactin in order to reduce the amount of these chemicals in the body, a defense mechanism produced to keep depression away. This is why many people feel better after they cry, because these excess hormones have been reduced and the body is returned to a more stable state.
Sometimes we say we can’t cry anymore. Why? Well, if you keep triggering a stimulus, the nervous system stops responding. If you keep pressing on a bruise, after a while the nerves won’t respond anymore and it won’t hurt. If you keep getting upset, the body might not react to it, you might not cry, and you probably feel worse.
So if you need to cry, just do it. It might be distressing, it might make you feel weak, it might make your eyes puffy, but it also might make you feel better.
Ayan ang gusto ng iyong puso, bakit mo pagbabawalan ito? Wala namang masama sa pagmamahal kung ginagawa mo ito sa malinis na paraan, hanggat wala kang nasasaktan na tao sa ginagawa mo eh ipagpatuloy mo lang ito.
Bakit mo hihindian ang isang taong malapit sayo at mahal mo? Hindi bat ayan yung taong matagal mo nang hinahanap? Hindi bat sa kanya mo lang nararamdaman ang pakiramdam na yan at wala sa ibang tao? Mararamdaman mo naman yun eh, hindi basta basta ang nararamdaman mong pagmamahal na yan, nagiging espesyal ang tao na yan sayo dahil sa pagmamahal na yan, kaya huwag na huwag mong pipigilan ang iyong damdamin sa isang tao kapag naramdaman mo ang pagmamahal.
Ikaw rin kasi ang magpapahirap at magbibigay ng problema sa sarili mo kapag ginawa mo yun, ikaw ang patuloy na sisira sa nararamdaman mo, panget ang pakiramdam ng nasasaktan kaya hanggat maari eh dapat iwasan ito.
(Source: matabangutak)
Ito ang kailangan sa mga taong nagmamahal, don’t rush into things na hindi ka sigurado kasi sa huli ikaw ang dehado. Mahirap kapag ipinilit at minadali mo ang isang bagay. Hindi yan 1+1 na madali ang sagot, isa yang logic na kailangan mong pag-isipan at ma solve.
Mahirap kapag minamadali mo ang isang bagay lalo nat kaakibat nito ang salitang “Pagmamahal”. Bihira lang ang nakakasurvive sa mga minamadaling relasyon.
Isang magandang halimbawa na lang ang pagpasok bigla sa relasyon. Bigla mong naramdaman na infatuation lang pala lahat ng iyon, ngayon wala kang maisip na paraan para iwan yung taong yun, hindi bat ikaw ang masasaktan lalo na yung taong iniwan mo na sabik na sabik sa pagmamahal sayo?
Dapat bago mag desisyon ng tapos eh sobrang pinag iisipan lahat ng ito, lagi mong tandaan na walang prutas/gulay na itinanim ng isang araw at sumibol agad. PArang pagmamahal lang yan, hindi mo makukuha ng isang araw, hindi agad kayong magmamahalang dalawa ng isang araw lang, dahil ang proseso ng pagmamahal ay inaabot ng buwan, linggo, at minsan eh magpakailanman.
(Source: matabangutak)
Ito na nga ba ang pinakamahirap na proseso sa buhay pag-ibig ng isang tao? Sa tingin ko mas mahirap ang maghanap ulit ng bagong mamahalin, sa tingin ko mas mahirap maghanap ng bagong pagkakatiwalaan.
Ang pag move on eh madali lang hanggat tanggap mo na ang nangyari, ang masama neto eh hindi ka handa, ang masama dito ay mahal mo pa talaga. Pero ano ang gagawin mo kung wala na talaga? Hindi bat ito ay tanggapin na lang ang lahat ng nangyari? Paano kung ipaisip ko nalang sayo na kung umpisa palang eh mahal ka talaga niyan edi sana hanggang ngayon masaya ka at hindi ka niya iiwan.
Nabuhay ka ng wala siya dati, hindi pa katapusan ng mundo. Oras na siguro para pagbigyan mo naman ang puso mo magpahinga, samahan mo ang iyong barkada, nasa kanila ang susi ng kasiyahan mo. Hindi mo kailangan mag mukmok sa loob ng kwarto at isipin lahat ng nangyari sa inyo, hindi solusyon ang maging mag isa. Kailangan mo ng kasama sa buhay para malagpasan yan. Lagi mong tatandaan na hindi lang ikaw ang nakakaranas niyan.
Mas marami pa tayong dapat problemahin kesa diyan. Kung hindi ka pa tapos ng pag-aaral, gawin mong inspirasyon ang nangyari sayo, mas madaling maghanap ng taong mamahalin kapag nakatapos ka na. Masyadong pang maaga sayo para pasukin ang isang relasyon na hindi mo alam kung saan tutungo.
Madali ang mag move on.. Basta tandaan mo na dapat handa ka lang sa sarili mo at tanggap mong wala na ang lahat sa inyo.
(Source: matabangutak)
Nagmahal ka,
Minahal ka ba?
Minahal ka nga,
Seryoso ba siya?
Iniyakan mo,
Alam ba niya?
Alam nga niya,
may ginawa ba siya?
Sinaktan ka,
Nag-sorry ba?
Nagsorry nga,
inulit naman niya.
Hayaan mo na kasi siya. WAG KA NG UMASA. MAS MABUTING MAG-ISA KAYSA NASASAKTAN KA.
(Source: yashanexx)
Pasukin mo ang tunay na realidad ng buhay, na hindi totoo ang lahat ng napapanuod mo sa telebisyon, na wala talagang fantasy. Alam mo ba ang tunay na fantasy? Yun ay yung magmahalan lang kayong dalawa, walang halong kung ano ano pa, wala nang magsasagutan pa sa ilalim ng fireworks, maghahalikan sa tabi ng dagat, maglalakad ilalim ng bilog na buwan.
Alam mo ang masaya? Yun ang makasama mo lang yung taong mahal mo, sapat na yun hindi na kailangan pang magpunta sa tagaytay para romantic ang tagpo, hindi na kailangan pumunta ng Venice para maging romantic ang pagsasama niyo, sapat na yung kayo lang dalawa. Kahit nga sa bahay lang kayo kaya niyong romantic ang buhay niyo. Mga simpleng bagay na nakakapagpasaya sa buhay ng isang tao.
Hindi porket nagawa ng isang tao sa kaibigan mo ay kaya na ring gawin ng taong nagmamahal sayo, huwag kang mainggit sa kanya, may sarili siyang paraan ng pagmamahal. Kapag natanggap mo na yung taong nagmamahal sayo, wala ka nang hihilingin pa, ikaw ay magiging masaya. Ganyan lang naman eh, simple lang maging masaya, huwag mong ipilit ang sarili mo sa ayaw sayo. Siguro ipaglaban mo ito ng ilang araw? At kung dumating yung araw na wala talaga, siguro oras na para maghanap ng iba, napakaikli ng buhay para magmukmok at maging malungkot, maawa ka sa sarili mo.
Kalimutan ang problema, maghanap ng kaibigan, sa tingin ko naman hindi ka mawawalan ng kaibigan na handang magbigay ng payo sayo at samahan kang maging masaya at solusyonan ang lahat ng problema mo. Umpisahan mo na ngumiti, hindi ka nag-iisa, marami kang kaibigan, marami ang magmamahal sayo.
(Source: matabangutak)
Sa panahon natin, napansin ko, mas karamihan ng tao ang gumagawa ng “in.” ‘Yong tipong, ginagawa nila ‘yong mga bagay na katanggap-tanggap sa mata ng iba.
Kung hindi man para maging katanggap-tanggap, gumagawa sila ng mga bagay para maging “in.”
Nawala na ‘yong sense ng pagiging self-expressive. ‘Yong, kung ano talaga ang gusto mo, ginagawa mo. Iilan na lamang ang mga taong gano’n ngayon, and I commend those people for being themselves. Minsan kasi, dapat hindi ka sumusunod sa kung ano ang uso para makapasok sa standards ng mga tao. The hell with standards, ‘di ba?
Kung hindi mo din naibabahagi ‘yong sarili mo, basura lang ‘yang mga ginagawa mo. Mas masarap gumawa ng mga bagay kung saan ka may passion, hindi ‘yong mga bagay kung saan may passion ang iba. At para maging “in” ka, ginagawa mo sila. I-express mo kung ano talaga ang sarili mo. Kung gusto mo magpakulay ng buhok ng blue, gawin mo. Kung gusto mo magdamit ng weird, o magdamit na parang cosplayer ka araw-araw, gawin mo.
Huwag mo intindihin ang iisipin ng ibang tao. Kasi kahit anong gawin mo, may iisipin at sasabihin sila tungkol sa’yo. Kahit pa-play safe ka pa sa pananamit at pananalita, may masasabi pa rin sila sa’yo. So might as well do what you want. Tandaan mo, ikaw ang mawawalan kapag kinimkim mo kung ano talaga ang gusto mo. Mahirap na, sige ka.
(Source: matabangutak)
Bagong spam message na naman sa facebook, ano na naman ang mangyayari, isa na naman ito sa mga makakapagpalayo ng loob ng karamihan sa pag gamit ng facebook, kaya hindi nakakapagtakang nakakatamad na talaga.
Sa tingin ko ang susunod na spam message niyan yung mga pa like like na, kunwari mag papalike tapos yun pala virus na yung sinisend, tapos matutulad ka na rin sa kanila.
Nakakainis lang, minsan baka madamay pa tayo eh nakakahiya naman sa mga taong naka add sa atin. Minsan kasi bumababa ang pag tingin ng tao sayo kapag nabiktima ka ng ganito.
Lesson na lang sa lahat, wag na lang mag click ng kahit na ano sa facebook, matagal mo nang vinerify ang account mo, hindi gagawa ng ganun ang facebook at ipapasend sa lahat ng tao, dahil kaya nilang gawin yun sa lahat ng users nila, sila ang gumawa nun e, kaya walang imposible.
Para mawala yang spam sa wall na yan, i disable niyo na lang muna siguro ang wall niyo, yung tipong kayo lang muna ang makakapagpost, delikado yan e, baka kung ano pa mangyari sa account niyo.
Ito ang problema sa iba, yung pride na kailangan i text ka muna niya bago mo siya i text. Ang pagkakamali sa isang taong naghahanap ng relasyon.
Paano ka makakahanap ng taong mamahalin kung yung taong mamahalin mo eh ganun din ang ugali? Katulad mo din, hinihintay rin niya text mo para itext ka rin. May mga tao kasing hinihintay lang text mo para makapag umpisa na siya ng topic na pag uusapan niyo. Minsan nahihiya siya mag text sa una dahil alam niyang busy ka, o kaya naman may importanteng ginagawa.
Kung hindi ka naman busy, maari mo naman siyang itext. Kung itetext mo siya siguraduhin mong may pangalan niya, baka naman text ka ng text eh GM naman? Baka tamarin sayo yan at akalain niyang lahat ng text mo sa kanya ay GM na.
Mahirap kapag nakilala ka niya na GM ng GM. Nagsisimula na siyang mandedma ng text mo, lahat ng text mo sa kanya ay aakalain na niyang GM lang, paano ka na? Edi wala na.
(Source: matabangutak)
Button Theme